^

Metro

1 PATAY, 3 SUGATAN: Pamilya inatado ng kapitbahay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata ha­bang nasa kritikal na kon­dis­yon naman ang tatlo pa niyang kaanak kabilang ang kanyang ina matapos na pag­sasak­ sakin ng isa nilang kapit­bahay na nagwala, kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Presi­dent Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Leonardo Tatoy, 24, ng Gen. San Miguel St., Buklod ng Nayon ng lungsod na ito.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil din sa mga sak­sak sa tiyan ang ina nitong si Divina, 42. Sugatan din sa insidente sina Gina Canones, 34; at Teofilo Cañedo, 79.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Noe Sabalsa, 41, at kapit­bahay ng mga biktima.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, alas-7:20 ng gabi, ki­nompronta ni Leonardo ang lasing na suspek sa tapat ng ka­nilang bahay dahil sa gina­wang pambubugbog ng huli sa isang pamangkin nito na hindi na binanggit ang pa­ngalan.

Nagalit ang suspek at nag­bunot ng patalim bago inun­dayan ng saksak si Leo­nardo. Tinangka ng iba pang biktima na awatin ang suspek subalit maging ang mga ito ay hina­lihaw din ng saksak ni Sabalsa. Matapos magbagsa­kan ang mga biktima, mabilis na tuma­kas ang suspect dala ang gamit na patalim.

Agad namang dinala   ang mga biktima sa mga nabang­git na ospital pero nasawi rin si Leonardo.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

GINA CANONES

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LEONARDO TATOY

NOE SABALSA

SAN MIGUEL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with