Tinyente binoga ng PO3

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang opis­yal ng pulisya makaraang barilin ng isa niyang tauhan habang nagtatalo sa tapat ng kanilang barracks sa loob ng compound ng Se­nado sa Pasay City ka­hapon ng umaga.

Isinugod sa Manila Sa­nitarium Hospital dahil sa da­lawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na ka­libre ng baril ang bikti­mang si P/Insp. Julius Tugade Ala­ traca, hepe ng isang unit ng Police Se­cu­rity Protection Office (PSPO) na siyang nag­bi­bigay ng seguridad sa Senado. Pinaghahanap naman ang suspect na ka­baro na nakilalang si PO3 Fer­nando Macalindong dala ang ginamit na armas sa pamamaril.

Sa inisyal na ulat ng Pasay police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa tapat ng barracks ng PSPO sa compound ng Senado. Nagsasagawa umano ng “formation” ang mga pulis at isa-isang pinagagalitan ni Alatraca ang mga ta­uhan dahil sa nawawalang M-16 armalite rifle.

Nadiskubre naman agad ang nawawalang baril na nasa loob ng com­part­ment ng kotse ni Ma­calin­dong sanhi upang kom­pron­tahin nito ang suspek. Pu­malag naman ang pulis sa akusasyon ng kanyang opis­yal kung saan agad nitong pinapu­tukan ang biktima.

Isang manhunt opera­tion na ang inilunsad ng Southern Police District upang maaresto ang sus­ pek. (Danilo Garcia)

Show comments