^

Metro

Mas malawak na serbisyo, nais ni Joy B. sa mga taga-QC

-

MANILA, Philippines - Nais ni Liberal Party  Que­zon City Vice-mayoral candi­date Joy Belmonte  na mabig­yan ng mas malawak na ser­bisyo ang mga taga- Quezon City kaya­’t nagplanong puma­sok sa pulitika.

Sinabi ni Joy  na bagamat baguhan pa lamang siyang papasok sa pulitika ay marami na siyang karanasan sa pagli­lingkod lalo na sa kapuspalad kaya’t napagdesisyunan niya na maglingkod pa ng higit sa ginagawa sa mga hinaha­wakang foundation.

 “Nasa 40 percent poverty level ang mga kababayan ko sa Quezon City kayat nagplano po ako na tulungan sila sa abot ng aking makakaya,” pahayag pa ni Joy.

Magmula nang magtapos ng kolehiyo si Joy ay nagsimula na siyang maglingkod sa mga kapuspalad nang magturo sa mga ka­bataan ng Bukidnon kayat alam niya ang mamuhay na walang tubig at walang ilaw sa paligid dahil naranasan niya ito bilang guro doon.

“Hindi po ako tumatakbo bilang Vice Mayor dahil tapos na ang term ng tatay ko bilang Mayor ng Quezon City, wala po itong kina­laman dito, ang plano ko pong pagpasok sa pulitika ay ma­kailan beses kong inisip at na­pag­desisyonan dahil hangad ko po na mas malawak na ma­pag­ling­kuran ang aking mga kaba­bayan dito sa QC,” dagdag pa nito.

Si Joy ay kasalukuyang Pa­ngulo ng QC Ladies Founda­tion, Husay Pinay Inc., Ilaw ng Bayan Foundation na kumaka­linga sa mga kapuspalad  at tumulong sa mga kabataan na mabigyan ng libreng pag-aaral. (Angie dela Cruz)

BAYAN FOUNDATION

CITY VICE

HUSAY PINAY INC

JOY BELMONTE

LADIES FOUNDA

LIBERAL PARTY

QUEZON CITY

SHY

SI JOY

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with