^

Metro

Ama lumuwas sa Maynila para magbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inakalang lumuwas ng Maynila mula sa Leyte ang isang 54-anyos na ama upang makasalo sa Pasko at Ba­gong Taon ang anak, subalit ilang oras pa lamang ito sa tahahan ng anak ay natagpu­ang patay matapos magbigti, kamakalawa ng gabi, sa Sampaloc, Maynila.

Natagpuang nakabigti sa sintas ng sapatos ang bikti­mang si Felix Laguna,   dating karpintero, ng Baybay Leyte at pansamantalang nanulu­yan sa bahay ng anak  na si Cynthia Laguna, sa 721 Do­mingo Santiago St., Sampa­loc, Maynila.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7 ng gabi nang madis­kubre na wala nang buhay sa loob ng banyo  ng bahay ng anak si Mang Felix.

Nabatid na kaluluwas lamang nito mula sa Baybay, Leyte upang gugulin ang Pasko at Bagong Taon sa anak, bandang alas-5:30 ng hapon ay nakita pa itong na­ ki­ki­panood ng karera ng kabayo sa isang Off Track Bet (OTB) sa ibaba ng kanilang bahay.

Ilang oras ang nakalipas nang sabihan si Cynthia ng boarder na si Mary Anne Ma­ra­villa, na naka-lock ang ka­nilang banyo kaya nagta­wag ng kasama upang sapilitan itong buksan at doon tumam­bad ang patay na ama na nakabitin sa shower head gamit ang sintas ng sapatos.

Pinaniniwalaang despe­rado na sa buhay ang biktima dahil malala umano ang sakit nito sa atay, na posibleng mauwi sa kanser, base sa mga dala-dalang reseta at naging pagtaya umano ng doktor.

BAGONG TAON

BAYBAY LEYTE

CYNTHIA LAGUNA

FELIX LAGUNA

JAY SANTOS

LEYTE

MANG FELIX

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with