^

Metro

Warrant of arrest vs Jason Ivler, inilabas na

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumiit ang mundong gina­galawan ni Jason Ivler matapos na ipalabas ng korte ang warrant of arrest laban dito sa kasong murder dahil sa pag­patay sa anak ng opisyal ng Malakanyang dahil lamang sa away trapiko sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Quezon City Police, ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Vivencio Baclig ng Quezon City Regional Trial Court Branch 76 sa kasong murder at walang piyansang inilaan ang korte para sa pansamantalang makalaya.

Sinabi ng PIO, sa pamamagitan nito, tuluyan nang nabaon sa kaso si Ivler kahit pa matindi ang ginagawa nitong pagtatago sa batas. Bukod sa warrant of arrest na ipina­labas ng QCRTC, isa pang warrant mula sa Pasig RTC ang hawak ng QCPD na siyang ginagamit ng huli sa pagtugis kay Ivler.

Si Ivler ay sinimulang tugisin ng QCPD simula nang mangyari ang pamamaril nito kay Renato Ibarle Jr., noong Nobyembre 18, 2009. Nag-ugat ang nasabing pag­patay dahil lamang sa simpleng alitan sa trapiko. (Ricky Tulipat)

AYON

IVLER

JASON IVLER

JUDGE VIVENCIO BACLIG

PUBLIC INFORMATION OFFICE

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

RENATO IBARLE JR.

RICKY TULIPAT

SI IVLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with