^

Metro

Salising pasyente timbog

-

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 39-anyos na nagpanggap na pasyente ng isang klinika, nang maaktuhang ibinu­bulsa ang mamaha­ling cell­phone ng doktora sa Ermita, Maynila, ka­hapon ng tanghali.

Kalaboso na sa deten­tion cell ng Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section (TRS) ang suspek na si Aldrin Bool, ng Carlos Palanca St., San Miguel, Maynila dahil sa reklamo ni Dra. Jocelyn Romerosa Cruz, 36, ng Santol St., Casimiro Village Las Pinas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang insi­dente sa loob ng Hi-Pre­cision Clinic sa 638 T.M. Kalaw St., Ermita, Maynila.

Sa reklamo ng bikti­mang si Dra. Cruz, tinawag nito ang isang pasyente upang suriin sa isang cubicle ng klinika at na­puna nito ang pagtayo ng isa pang nakasunod na pas­yente na pumasok sa isang cubicle na kinala­lagyan ng kanyang mga kagamitan.

Agad niyang sinundan ang suspek at inabutan niyang ibinubulsa ang kanyang iPHONE 36 (Blackberry).

Napasigaw ang biktima na nakatawag pansin sa sekyu ng klinika na agad namang rumesponde at pinigil ang suspek bago itinurn-over sa pulisya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALDRIN BOOL

CARLOS PALANCA ST.

CASIMIRO VILLAGE LAS PINAS CITY

DRA

ERMITA

JOCELYN ROMEROSA CRUZ

KALAW ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with