^

Metro

Dambuhalang bato, shabu pala

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang malaking tipak na shabu na naging literal na bato at tumitimbang ng aabot sa 100 kilo­grams ang narekober ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency habang nakaimbak sa gilid ng daan sa lalawigan ng Aurora Province, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni PDEA di­rector Senior undersecre­tary General Dionisio Santiago sa panayam ng mga reporter sa kanyang tanggapan sa Quezon City na ang nasabing droga ay narekober ng pinagsanib na elemento ng Task Group Alpha, North Luzon Area Unified Cluster sa pamumuno ni Task Group Bravo PDEA Regional Office 3 Director Roberto S. Opeña.

Nakumpiska ang na­sabing droga na mistu­lang bato na sa tigas at nangingitim habang na­kasilid sa sako makara­ang magsagawa ng anti-drugs interdiction opera­tion ang tropa sa may Brgy. Matawe, Dingalan, Aurora kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Santiago na isa umanong politiko na kasalukuyang nakaupo sa puwesto ang may kinalaman sa nasamsam ng shabu. Dati na umano itong nakasuhan subalit nakalusot din dahil sa impluwensya.

Malaki ang hinala ng heneral na umpisa na rito ng tinatawag na Narco-politics lalot papalapit na ang eleksyon.

Ang droga na may market value na P640 milyon ay maari pa uma­nong pumuti kapag ini­lagay sa isang uri ng kemikal.

AURORA PROVINCE

DIRECTOR ROBERTO S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL DIONISIO SANTIAGO

NORTH LUZON AREA UNIFIED CLUSTER

QUEZON CITY

REGIONAL OFFICE

SHY

SINABI

TASK GROUP ALPHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with