Swede na wanted sa Denmark timbog sa ImÂmigration Interpol
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI)-Interpol Unit at Philippine Center for Transnational Crimes ang isang Swedish national na pinaghahanap ng awtoridad sa Denmark sa pagnanakaw sa isang Danish bank ng mahigit US$10 million.
Sa kanyang ulat kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, kinilala ni BI-Interpol unit chief Floro Balato Jr. ang Swede na si Lukas Hasselgren, 37.
Sinabi ni Balato na nahuli si Hasselgren kamakailan sa labas ng kanyang condominium sa Adriatico Place, Tower II, sa Adriatico St., Ermita, Manila.
Pagkatanggap ng ulat ng Interpol, agad iniutos ni Libanan ang pagsasagawa ng deportation proceedings laban sa pugante upang maipa-deport ito sa Sweden at Denmark upang malitis.
Ayon sa Swedish embassy, si Hasselgren ay primary suspect sa robbery sa Denmark kung saan isang security cash centre ay natangayan ng mahigit 60 million Danish crowns (may katumbas na 10,080,000).
Si Hasselgren ay latest sa ilang pugante na nahuli ng BI operatives mula nang itatag ng ahensiya ang sarili nitong BI Intepol unit sa pagsisimula ng taon.
- Latest
- Trending