^

Metro

Trapik sa MM lalong sisikip

-

MANILA, Philippines - Aminado ang Metro­politan Manila Develop­ment Authority na mas sisikip pang lalo ang daloy ng trapiko sa ilang mga kalsada sa Metro Manila sa paglapit pa lalo ng Kapaskuhan dahil sa pagiging inutil ng mga lokal na traffic enforcers ng mga lungsod na kas­tiguhin ang mga naglipa­nang street vendors at walang disiplinang mga driver ng pampublikong sasakyan.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na silang dalawa ni Executive Director Angelito Vergel de Dios ang dapat batu­hin ng sisi ng mga mo­torista at pedestrian at hindi si Chairman Oscar Inocentes dahil ilang linggo pa lamang naka­ka­upo bilang hepe ng ahensiya ang dating hukom.

Ikinatwiran niya na sadyang nagiging ma­sikip ang daloy ng trapiko kapag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan dahil, bukod sa ma­raming motorista ang lumalabas sa lansangan, marami ring mga mami­mili at manininda ang nasa lansangan.

Sunud-sunod din ang mga okasyon tulad ng Christmas party na nagi­ging dahilan upang lalung dumami ang mga sasak­yan sa lansangan na na­sasabay din sa paglabas ng malalaking delivery truck at van.

Gayunman, ipinaliwa­nag ni Nacianceno na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang ma­ibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa pa­ma­magitan ng pagtata­laga ng mas maraming traffic enforcer sa mga pangunahing lansangan at mas mahabang oras na pagtatrabaho ng mga ito. (Danilo Garcia)

AMINADO

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

DANILO GARCIA

EXECUTIVE DIRECTOR ANGELITO VERGEL

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

KAPASKUHAN

MANILA DEVELOP

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with