Lolo binundol ng bus, patay

MANILA, Philippines - Isang 58-anyos na Lolo ang namatay nang mahagip ng isang ruma­ragasang pampasahe­rong bus sa may Com­mon­wealth Avenue, Que­zon City kahapon ng umaga.

Si Jesus Hernandez ng #748 Martan St., Brgy. Commonwealth ay binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center dahil sa pagka­bagok ng kanyang ulo at pagkalasog ng katawan.

Hawak naman ng mga awtoridad ang aku­sa­dong si Bernardino Asistorda, 32, driver ng   Universal Guiving Bus TXY–855, at naninirahan sa #44 Lumot St., Brgy. Ta­talon sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat ni Cri­santo Gragasin, traffic enforcer, may hawak ng kaso, nangyari ang insi­dente sa may Common­wealth Avenue, tapat ng UP Ayala Land, Diliman sa lungsod dakong alas-9:00 ng umaga.

Naglalakad ang bik­tima sa nasabing lugar nang biglang rumampa ang humahagibis na pampasaherong bus ga­ling sa Fairview patungo sa direksiyon ng Philicoa kung saan nahagip at na­tumbok ang una.

Ayon sa ilang naka­saksi, sa lakas ng pagka­kabundol ng bus, tumi­lapon ng ilang metrong layo ang biktima bago bumagsak sa kalsada na una ang ulo. (Ricky Tulipat)

Show comments