^

Metro

Caretaker tinarakan sa dede ng bisita ng boarder

-

MANILA, Philippines - Naospital ang isang 25-anyos na babaeng caretaker ng isang boarding house matapos saksakin sa mismong dede ng isang desperadong bisita ng isang lady boarder sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas ang biktimang si Nerzen Nerza, may-asawa, caretaker ng apartment sa 919 F. Belmi St., Malate, Manila.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 5 ang suspek na si Renante Barao, 27, binata, factory worker at resi­dente ng Block 41 Martinez St., Man­daluyong City.

Sa ulat ni SPO4 Cenon Parungao, dakong alas-9:30 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng nasabing apartment.

Dumating umano ang suspek sa apartment at hinahanap ang dating nob­yang kinilalang si “Glaiza” na boarder ng apartment. Subalit hindi siya pina­pasok ng biktima dahil hindi pa duma­rating ang kanyang sadya.

Nagalit umano ang suspek at hindi naniniwalang wala pa sa apartment ang dating nobya kaya inilabas ang dalang patalim at inundayan ng saksak ang bik­tima na tumama sa kanang dede nito.

Nasaksihan ito ng iba pang boarders kaya agad humingi ng responde sa mga barangay tanod sa lugar na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto ng suspek.

Idinahilan ng suspek na nagtungo siya sa apartment upang makipag­balikan sa dating nobya.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide at conceling of deadly/bladed weapon ang suspek. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

APARTMENT

BELMI ST.

CENON PARUNGAO

DUMATING

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARTINEZ ST.

NERZEN NERZA

RENANTE BARAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with