Mayors nakiisa sa MMDA nang mawala si Fernando

MANILA, Philippines - Nagbigay na ng ka­nilang suporta sa Me­tro­politan Manila De­velop­ment Authority ang ilang alkalde ng kalakhang Maynila na hindi kasundo ni dating MMDA Chair­man Ba­yani Fernando.

Nagpahayag ng ka­handaan ang mga al­kal­de na sundin ang mga regulasyon ng ahen­sya sa Metro Manila.

Nangunguna rito si Makati Mayor Jejomar Binay na tumuntong muli sa gusali ng MMDA pagkalipas ng pitong taon o nitong nakara­ang Huwebes sa re­gular na Metro Manila Council meeting upang ipahayag ang suporta kay Chairman Oscar Inocentes.

Matatandaan na dahil sa banggaan nina Binay at Fernando, hin­di pinapapasok ng una ang mga enforcers ng MMDA sa Makati City at lumikha ito ng sa­riling set ng batas-tra­piko kaiba sa ipi­na­tupad sa mga karatig lungsod sa Metro Manila.

Sinabi ni Inocentes na nagbigay na rin ng kanilang suporta sina Navotas City Mayor Toby Tiangco, Pasay City Mayor Wences­lao Trinidad at maging si Rep. Roilo Golez na ma­tinding kritiko rin ni Fernando. (Danilo Garcia)

Show comments