^

Metro

Lolo namatay sa ginaw?

-

MANILA, Philippines - Isang 60 anyos na lolo ang nadiskubreng wala nang buhay sa lobby ng Guwapotel sa Port Area, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi agad napuna ng guwardiya na may ilang oras nang patay ang biktimang si Edwin Hinulan, ng 1036 Alhambra St., Ermita, Maynila.

Sa ulat ni Det. Gerry Amores ng Manila Police District -Homicide Section, dakong 6:15 ng umaga nang nadiskubreng patay ang bik¬tima sa looby ng Guwapotel sa 161 Bonifacio Drive, Port Area.

Sinabi ng guwardiya ng gusali na si Domi¬nique Pagaduan na huling nakitang buhay ang biktima dakong 4:50 ng umaga habang naka¬upo sa isang sulok ng lobby ng Guwapotel. Gayunman, dakong alas-6:15 ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima.

Sinabi ni Pagaduan na Disyembre 12 pa nang huling nag-check-in ang biktima sa Guwapotel kaya nasa lobby na lamang ito natutulog matapos hindi na ma-accommodate dahil punuan na ang paupahang tulugan sa tuwing dumarating ito gabi-gabi.

Inaabot na umano ng antok sa lobby nitong mga huling araw ang matanda na ipinagtataka nila dahil madalas itong mag-check-in at nagbabayad pa sa pagtulog, kahit meron itong inuuwian sa Ermita, Maynila.

Wala pang lumutang na kaanak ang biktima hanggang sa isinusulat ito.

Inaalam din kung dahil sa sobrang ginaw kaya namatay sa posibleng atake sa puso ang biktima. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

ALHAMBRA ST.

EDWIN HINULAN

ERMITA

GERRY AMORES

GUWAPOTEL

HOMICIDE SECTION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with