BFP umalerto sa mga sunog

MANILA, Philippines - Inilagay na sa full alert ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang hanay bi­lang paghahanda sa po­sibleng sunog na ma­ga­ganap ngayong holidays.

Dahil sa nasabing pag­­ hahanda, walang ma­giging days-off ng mga bumbero simula Decem­ber 24, 25 at 31, hang­gang January 1, 2010.

Ayon kay National Ca­pital Region Fire Mar­shall Senior Superinten­dent Pablito Cordeta, inaasahan na tataas ang insidente ng sunog sa nasabing mga petsa dala na rin ng mga selebras­yon kung saan guma­gamit ang ilang residente ng paputok, gayundin ang overloading ng pag­gamit ng kuryente sa na­sabing mga araw.

Sa mga susunod na araw, ang tropa ng BFP ay masisimulang mag-ikot sa Metro Manila para ma­ ngampanya laban sa paggamit ng paputok at big­yan na rin ng tip ang mga ito sa wastong pa­ma­­maraan ng paggamit nito.

Maging ang mga malls ay sisiyasatin ng BFP para sa mga mater­yales na madaling ma­sunog, at tignan kung ang fire escape dito ay maayos. (Ricky Tulipat)

Show comments