Mahigpit na seguridad ibibigay kay Ampatuan Jr.

MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Bu­reau of Investigation (NBI) ang seguridad sa pagdalo ni Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr. sa preliminary inves­tigation sa Department of Justice (DOJ) na todo bantay ng 25 eskort at ga­gamitan pa ng bullet proof van kahit ilang hakbang lamang ang pagitan ng dalawang gusali sa Padre Faura at Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Dakong alas-2 ng hapon ngayon (Biyernes) ang unang araw ng imbestigas­yon sa multiple murder case na kinasasangkutan ni Andal Jr. kaugnay sa Maguindanao massacre.

Kinumpirma ni Atty. Ri­cardo Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU) at taga­pagsalita ng NBI, natanggap nila ang subpoena na inisyu nina State Prosecutor Ra­ssen­dell F. Gingoyon at Pro­secutor Attorney Xerxes U. Garcia para kay Ampatuan Jr.

Ipoposas din umano si Ampatuan dahil itunuturing itong isang ordinaryong kri­minal bagamat delikado umano na maagaw ito sa kanila. (Ludy Bermudo)

Show comments