^

Metro

Lider ng drug syndicate, todas sa engkuwentro

-

MANILA, Philippines - Nabuwag na ang kilabot na sindikato ng droga na ti­naguriang “Manap Drug group” na nag-ooperate sa Cabadbaran City matapos na masawi sa engkwentro ang itinuturing na lider nito sa pagitan ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13 makaraan ang buy-bust ope­ration sa Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director/General Senior Undersecre­tary Dionisio R. Santiago, ang nasawi na si Ali Manap, lider of the Manap drug group. 

Ayon kay Santiago, si Manap ang target ng operas­yon ng grupo dahil kasama ito sa listahan ng most wanted drug personalities sa rehiyon.

Arestado rin ang mga ka­samahan nitong sina Camar Gumama, Ajid Tanday at Samshia Nasser, gayundin ang dalawang menor de edad na lalaki.

Nag-ugat ang insidente nang magsagawa ng buy-bust operation ang nasabing tropa sa may  Brgy. Matabao, Buenavista pasado alas- 10 ng gabi.

Bago nito, nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na si Manap ay nagtatago sa nasabing lugar upang agad na magsa­gawa ng surveillance. At nang maging positibo ay saka isina­gawa ang buy-bust operation.

Sinasabing isang poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng droga kay Manap ngunit nang makapalitan ng items ay nakatunog na ito at pinaputukan ang mga awtori­dad dahilan upang gumanti ng putok ang mga huli at ma­patay ang suspect.

Matapos ang palitan ng putok ay nakitang nakabu­lagta si Manap habang ang ibang kasamahan nito ay kusa namang sumuko.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang isang piraso ng plastic sachet ng shabu; isang piraso ng P500 marked money; isang unit ng Nokia 1200; isang wallet at isang kalibre .45  pistola, na siyang ginamit ni Ali sa pakikipag­barilan sa awtoridad. (Ricky Tulipat)

AJID TANDAY

ALI MANAP

CABADBARAN CITY

CAMAR GUMAMA

DIONISIO R

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL SENIOR UNDERSECRE

MANAP

REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with