P1-M reward vs Jason Ivler inilabas ng NBI
MANILA, Philippines - May patong na isang milyong piso ang ulo ni Jason Ivler, pamangkin ng folk singer na si Freddie Aguilar at suspect sa pagpaslang sa anak ng Malacañang official kamakailan.
Ayon kay Atty. Angelito Magno, hepe ng NBI-Special Action Unit (SAU), makakatanggap ng pabuyang P1-milyon ang makakapagturo para sa ikadarakip ng 27-anyos na Ivler, na responsable sa pamamaslang sa anak ni Undersecretary Renato Ebarle Sr., ng Office of the Presi dential Staff, na si Renato Victor Ebarle Jr. sa isang gitgitan sa trapiko.
Nabatid kay Magno na mismong ang Office of the President ang nagbigay sa 50 porsyentong pabuya o P500,000.
Kasunod ito ng pagkabigo ng Quezon City Police District (QCPD) na maaresto si Ivler nang salakayin ang bahay nito sa Blueridge A Subdivision in Quezon City.
Ibinunyag din ni Mag no na marami nang nakaalis patungong ibayong dagat na may pangalang Jason Aguilar at lahat umano ay naberipika nila na negatibo o hindi naman si Jason Aguilar Ivler, na hinahanting ng mg awtoridad.
Noong Disyembre 8 lamang ay personal na bumisita si Usec Ebarle sa NBI upang i-follow up ang kaso matapos mapaulat na nakatakas palabas ng bansa si Ivler, umapela rin si Ebarle kay Ivler na lumutang na at sumuko upang harapin ang asunto.
- Latest
- Trending