^

Metro

QCPD na-'wow mali' sa bank rob

-

MANILA, Philippines - Nabulabog ang ilang establisyemento sa pa­ligid ng Union Bank sa lung­sod Quezon mata­pos na sumugod ang buong tropa ng Police Station 2  bunga ng tawag na may nagaga­nap na bank rob­ bery dito kahapon.

Dahil sa sinasabing “on going bank robbery” at nasa loob pa ang mga suspek, sinimulang pali­bu­tan ng mga awtoridad ang paligid ng Union Bank Examiner na mata­tagpuan sa West Ave­nue, Brgy. West Triangle para sa posibleng pag-atake, ngunit matapos ang ilang minuto ay na­pag-alamang isa lamang itong false alarm.

Ayon kay PO1 Orlando Medico, desk officer ng PS2 ng QCPD, dahil sa maling pindot ng alarma ng bangko, nagdulot ito ng bahagyang komosyon sa nasabing lugar bunga na rin ng mabilisang ak­syon na ginawa ng ka­nilang tropa para mahuli ang sinasabing mga bank robbers.

Nabatid kay Medico na nag-ugat ang maling alarma nang magsagawa ng test alarm ang main branch ng nasabing bangko na matatagpuan sa Scout Albano at ma­karating sa Union Bank sa nasabing lugar.

Ayon kay Medico, hindi nakipag-coordinate ang branch manager ng banko nang isagawa ang test alarm kung kaya nagtulak na ilang depo­sitor ang naalarma nang ma­rinig ito at ipagbigay- alam sa mga awtoridad.

Pasado alas-12 ng tanghali nang makatang­gap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang PS2 hingil sa bank robbery na nagaganap sa may nasabing bangko.

Kahit palpak ang alar­ma, natuwa naman ang pa­mu­nuan ng QCPD sa pang­yayari dahil kahit papaano ay mabilis ang naging pagresponde nila dito, at sanhi naman para mag­sa­gawa ng pagsisi­yasat sa iba pang establi­si­mento dito. (Ricky Tulipat)

AYON

BANK

ORLANDO MEDICO

POLICE STATION

RICKY TULIPAT

SCOUT ALBANO

SHY

UNION BANK

UNION BANK EXAMINER

WEST AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with