^

Metro

Holdaper todas sa pulis

-

MANILA, Philippines - Patay sa mga rumespon­deng mga tauhan ng Manila Police District-station 1 ang isang 29-anyos na lalaking ka­bilang sa grupo ng nang­holdap sa isang pampasaherong dyip, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ni PO1 Ryna Bagadiong si Christopher Gon­zales, binata, pedicab driver ng Antonio Aurora Rivera St., Tondo, subalit agad ring bina­wian ng buhay bunga ng tina­mong 3 bala sa katawan.

Kabilang naman sa grupo ng rumespondeng mga pulis sina PO3 Roel Young; PO2 Rommel Sese,; PO1 Nonito Bina­yug at PO1 Anthony Fer­nandez at si Bagadiong na nagdala sa ospital.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang palitan ng putok sa pagitan ng suspek at miyembro ng MPD sa panulu­kan ng   Juan Luna at Lorenzo Chacon St., Tondo.

Sa naging pahayag naman ng driver ng dyip na si Victor Labe, habang binabagtas niya ang Raja Matanda Sts., Tondo ay nagdekalara ng holdap ang grupo ni Gonzales at sinamsam ang mga pera, alahas, cell­phone at mahahalagang gamit na kanyang mga pasahero at pagkatapos ay mabilis na tu­malon ng dyip ang apat na suspek.

Naglakad lamang umano papalayo ang mga suspek kaya nang mamataan ng mga biktima ang nagpapatrulyang mga pulis ay isinumbong ang insidente at tinugis ang mga suspek.

Inabutan pa ng mga pulis ang mga suspek habang nag­lalakad sa Juan Luna St., Tondo  at nang sitahin ay nagtak­buhan kaya’t pinaputu­kan sila nga pulis habang gumanti rin ang mga ito ng putok.

Nakatakas ang ilan sa mga suspect habang si Gon­zales ay minalas na tamaan. (Ludy Bermudo)

ANTHONY FER

ANTONIO AURORA RIVERA ST.

CHRISTOPHER GON

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JUAN LUNA

JUAN LUNA ST.

LORENZO CHACON ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with