^

Metro

Quezon City court tinanggihan sa kaso ng Ampatuan

-

MANILA, Philippines - Tumangging hawakan ng Quezon City Re­gional Trial Court (QCRTC)  ang kasong multi­ple murder ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.  na nairaffle  sa sala ni QCRTC Judge Branch 84 Luisito Cortez.

Sa isang panayam, sinabi ni  Atty. Maryann Daytia, clerk of court  sa sala ni  Judge Cortez, hihi­lingin nila sa Korte Suprema na pag-inhibit sa kaso dahilan sa madami ng high profile case na hawak ang kanilang sala tulad ng Bersamin case at sila din sa ngayon ang humahawak sa mga kaso na nakasampa sa branch 85 dahil wala ditong hukom.

Bukod dito, kinokonsidera din umano ni Judge Cortez ang medical condition nito kayat nais na mag-inhibit sa kaso ng mga Ampatuan.

“Mag-i-inhibit kami sa Supreme court, madami na kaming mga high profile na kaso na hina­hawakan eh bukod pa sa kaso sa branch 85 kasi walang Judge dun tsaka kino-consider namin ang medical condition ni Judge” pahayag ni Daytia.

Kahapon ng umaga nai -raffle ng QCRTC  ang kaso pero ngayon hindi pa malaman ng panel of judges na pinamumunuan ni Judge Fer­nando Sagun kung sino ang hahawak sa kaso.

Sa record na nakuha ng QCRTC, may 25 bilang ng kasong murder  ang naisampa kay  Ampatuan, isang linggo makaraang magde­sisyon ang Korte Suprema na hawakan ng QC court ang kaso ni Ampatuan. Si Ampatuan Jr. ang itinutu­rong pumaslang sa may mahigit 50 katao sa isang masaker sa Maguindanao. (Angie dela Cruz)

AMPATUAN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

JUDGE BRANCH

JUDGE CORTEZ

JUDGE FER

KASO

KORTE SUPREMA

LUISITO CORTEZ

MARYANN DAYTIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with