^

Metro

SWAT chief biktima rin ng cyber hacker

-

MANILA, Philippines - Nabiktima rin ng “cyber hacking” ang hepe ng Special Weapons and Tactics unit ng Northern Police District nang mabuksan ang kanyang profile ng kanyang electronic address sa Yahoo mail at magpadala ng mga liham sa lahat ng kaibigan nito na nanghihingi ng English pound para pambayad sa hotel sa London, England.

Nagpadala na ng liham bilang reklamo si P/Chief Insp. Nelvin Ricohermoso, hepe ng NPD-SWAT, sa Yahoo upang maaksyunan ang kanyang problema matapos na hindi na nito mabuksan ang kanyang account sa Yahoo Mail dahil sa pangha-hack.

Sa ipinadalang mensahe ng hacker gamit ang email address ni Ricohermoso, sinabi nito na nasa London, England siya at napagnakawan sa loob ng kanyang tinuluyang kuwarto sa hotel. Nanghihingi ang naturang hacker ng 1,350 Pounds upang pambayad umano sa hotel at hinihiling na ipadala ito sa pamamagitan ng money transfer.

Agad namang naalarma si Ricohermoso na nasa Pilipinas naman matapos na malaman buhat sa mga kaibigan na napadalhan ng email messages at itinanggi ang pagpapadala niya ng naturang email message. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

CHIEF INSP

NABIKTIMA

NAGPADALA

NANGHIHINGI

NELVIN RICOHERMOSO

NORTHERN POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

RICOHERMOSO

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

YAHOO MAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with