MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Security Group (Avsegroup) nang makuhanan sila ng 400 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa magkahiwalay na departure flight sa Ninoy Aquino International Airport kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.
Kinilala ng AVSEGROUP ang mga suspek na sina Rolando Bello Pono na isang lUS passport holder ng Hagana, Guam at nagpakilalang isang landscape technician; at Oscar Calingacion na isang obrero sa Dasmariñas, Cavite.
Patungo sana si Pono sa Guam habang papunta sa Bacolod City si Calingacion nang masabat sila sa final security check ng paliparan.
Nakuha kay Pono ang isang improvised garter belt na suot niya sa baywang at naglalaman ng 200 gramo ng shabu na sinasabi niyang ipinadala lang sa kanya. Dalawang plastic bag ng shabu naman ang nakuha sa underwear ni Calingacion. (Butch Quejada)