Iskolar ni Joy umabot sa 436
MANILA, Philippines - Umaabot sa may 436 indibidwal ang iskolar ng Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. na naglalayong mahasa pa ang kaalaman sa sining ng mga residente ng lunsod at tutulong sa pag-aangat sa kanilang kabuhayan at sa komunidad.
Ang naturang foundation ay patuloy pa ring pinangangasiwaan ni Joy Belmonte na kandidatong vice mayor ng Liberal Party sa Quezon City.
Ang mga scholars ng QCPADFI ay kinabibilangan ng 341 estudyante sa pagsasayaw, 45 sa pagkanta, 15 sa theater, 35 sa guitar at Filipino Ethic at 35 sa instrumento.
Bunsod ng natatanging pagtulong ng foundation sa mga mahihirap pero nais matuto at malinang nang husto ang talento sa sining, tumanggap na ng mga pagkilala at awards ang QCPADFI. Kabilang dito ang Dance Company (Classical and Contemporary)-Aliw Awards (2007), Gawad Alab ng Haraya-Best Choreography “Tambol at Padyak” by Tony Fabell-National Commission for Culture and the Arts (2002) at Most Outstanding Artistic Performing Group-Dangal ng Filipino and Consumers’ Choice-Annual Awards. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending