^

Metro

Hinayjack na Nestlé products, narekober

-

MANILA, Philippines - Dalawang milyong halaga ng hinayjack na Nestlé product lulan ng isang 14-wheeler truck ang natagpuan ng mga awto­ridad sa isang com­pound sa lungsod Que­zon ka­hapon ng umaga.

Sa ulat, narekober ng pamunuan ng Anti-Car­napping Unit ng Laloma Police Station ang nasa­bing kargamento lulan ng isang 14-wheeler truck (RJE-305) sa may priba­dong compound sa D. Tuazon corner Maria Clara St., Brgy. Lourdes, Sta. Mesa Heights sa lungsod ganap na alas-6:30 ng umaga.

Ayon sa ulat, na trace ang kinalalagyan ng natu­rang truck bunga ng nakakabit na Global Posi­tioning System (GPS) dito ilang oras makara­ang ta­ngayin ng arma­dong kala­lakihan sa may lungsod ng Caloocan.

Nabatid na pasado alas-4 ng madaling-araw nang hijackin ng pitong armadong kalalakihan ang nasabing truck sa may C-3 Road corner 7th Avenue, Caloocan City.

Ang nasabing karga­mento ay pag-aari ng ne­gos­­yanteng si Samuel Orenda, 47, ng old Sucat Road, San Dionisio Para­ñaque City. Sinasabing sakay ng isang kulay gray na Toyota Innova at dala­wang motor­siklo ang mga suspek nang hara­ngin ang natu­rang truck na minamaneho ni Ronnie Malaluan ka­sama ang helper na si Joey Batoon na may kar­gang produkto ng Nestlé.

Napag-alamang ang kar­gamento ay galing sa Mey­cauayan, Bulacan at nakatakdang dalhin sana sa Pier 15, South Harbor sa Manila. (Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

GLOBAL POSI

JOEY BATOON

LALOMA POLICE STATION

LORDETH BONILLA

MARIA CLARA ST.

MESA HEIGHTS

NESTL

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with