^

Metro

Nagtalo sa pera, mister todas kay misis

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 65-anyos na pensyanado ang nasak­sak at napatay ng kan­yang misis matapos na magtalo dahil sa pera sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Manuel Factora, Social Security Service (SSS) pensioner at resi­dente sa #9 Don Jose St., Brgy. San Roque Cubao sa lungsod ay nagawa pang maitakbo sa Labor memorial hospital, ngunit dahil sa tinamo nitong isang tama ng saksak sa dibdib ay binawian din ng buhay.

Ayon kay PO2 Jaime Jimena, imbestigador sa kaso, nagawa pang ma­sabi ng biktima kung sino ang sumaksak sa kanya at ito ay sa katauhan ng kanyang asawang si Vivian Factora, 43, at residente rin sa nasabing lugar.

Si Vivian ay nasa kus­todiya naman ng Criminal Investigation and Detec­tive Unit ng QCPD kung saan inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang in­sidente sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa ganap na alas-10:30 ng umaga.

Ayon kay Leonida Muñoz, kapitbahay ng dalawa, nakita na lang umano niya si Manuel na duguan habang naka­tayo sa harap ng kan­yang bahay at hawak ang duguang patalim.

Nang lapitan ni Muñoz ay nagsalita si Manuel na katagang “sinaksak ako ni Vivian” bago tuluyang human­dusay.

Mabilis namang humi­ngi ng tulong si Muñoz sa ilang kapitbahay at isinu­god ang biktima sa na­turang ospital kung saan ito nalagutan ng hininga.

Ayon kay Jimena, ipinagtapat sa kanila ng biktima na nagtalo sila ng kanyang asawa dahil sa pera lalo na ang bayarin nila sa bill sa kuryente.

Sinasabing nagalit ang mister sa misis    dahil sa nagastos umano ng huli ang perang ibinigay nito para sa bayad sa kuryente.

Kaya naman sa galit ng biktima ay nasuntok niya ang misis sa mukha, na bumuwelta naman ng pagkuha ng kutsilyo at sinaksak ang una sa dibdib.

Katwiran naman ng misis, naghihinala umano sa kanya ang asawa na ginastos lang niya ang pera sa kung anong bagay, pero ang tutuo ay naubos niya ito sa mga pangangailangan nila sa bahay.

Gayunman, ayon kay Jimena, patuloy ang im­bestigasyon na kanilang ginagawa tungkol dito.

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETEC

DON JOSE ST.

JAIME JIMENA

JIMENA

LEONIDA MU

MANUEL

SAN ROQUE CUBAO

SHY

SI MANUEL FACTORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with