^

Metro

Carjacker todas sa biniktimang trader

-

MANILA, Philippines - Isa sa limang miyem­bro ng kilabot na car­ja­cking syndicate ang na­sawi ma­karaang palagan at ma­baril ng isang ne­gos­yan­teng tatanga­yan sana nila ng sasak­yan sa lung­sod Quezon, iniulat kahapon.

Sa pamamagitan ng mga identification card nakilala ang nasawing sus­­pek na si Redentor Fa­jardo, ng Baliwag Bulacan.

Ayon sa ulat, pinag­ha­­hanap pa ng pulisya ang apat na kasamahan ng na­­­sawi na sinasabing sang­kot sa serye ng car­jacking incident sa Metro Manila.

Si Fajardo ay nasawi makaraang mabaril ng negosyanteng si Jeffrey Atanacio, 38, matapos na tangkaing i-carjack ng grupo ang sasakyan nito na isang Ford Explorer (XPC- 817).

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may malapit sa tahanan ng biktima pasado alas-10 ng gabi.

Sinasabing papasok na sana ang biktima ka­sama ang kanyang pa­milya sa gate ng kanilang bahay sakay ng Ford Explorer nang humarang sa daraanan nila ang mga suspek at sabay tutok sa kanila ng baril.

Puwersahang tina­ngay ng mga suspek ang nasabing sasakyan, ngu­nit hindi pa ang mga ito nakakalayo ay pina­pu­tukan na ang mga ito ng biktima dahilan upang tamaan si Fajardo.

Sa pagbulagta ni Fa­jardo ay naalarma ang ibang kasamahan nito at nagsitakas sakay ng naka­antabay nilang getaway na Fortuner patu­ngo sa hindi mabatid na direksyon.

Samantala, hinala ng awtoridad na malaking sindikato ang grupo dahil sa mga nakuhang IDs kabilang ang sa PNP intelligence unit na ginaga­mit nila para magkaroon ng access sa checkpoint.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang iba pang suspek. (Ricky Tulipat)

AYON

BALIWAG BULACAN

FAJARDO

FORD EXPLORER

JEFFREY ATANACIO

METRO MANILA

REDENTOR FA

RICKY TULIPAT

SHY

SI FAJARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with