^

Metro

Taxi meter epektibo sa Enero

-

MANILA, Philippines -Epektibo Enero 1, 2010 sisimulan nang ipatutupad ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang taxi metering receipt kung saan metro na at hindi na manual ang isyuhan ng resibo ng mga taxi units na papasada sa loob at labas ng Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Ellen Cabatu, board member ng LTFRB, ang mga taxi units na may ending plate number 1 ang partikular na dapat ay mayroon na ng gadget na ito bilang pagtalima sa programa hinggil dito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagtatama sa pagbubuwis sa mga pam­pasaherong sasakyan.

Anya, nitong Hulyo pa ng taong kasalukuyan ay mayroon nang ibang taxi operators ang naglagay na ng taxi meter receipt bilang pagtalima sa na­turang programa ng pa­mahalaan.

Niliwanag ni Cabatu na ang sinu­mang taxi unit na may ending 1 sa Enero na wala pang taxi meter receipt ay mala­mang pagmultahin ng P2,000 bilang penalty.

Dapat ay noong Enero 2009 pa napasi­mulan ang programang ito, pero dahil sa hiling ng taxi operators na ipagpa­liban muna ng ilang buwan.

Ang nagbebenta ng mga tax meter receipt ay accredited ng Department of Trade and In­dustry(DTI) sa paki­kipag- tulungan ng BIR. Ang taxi meter receipt ay nagka­kahalaga ng P15,000.00. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF TRADE AND IN

ELLEN CABATU

ENERO

EPEKTIBO ENERO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with