^

Metro

50 sentimos fare hike, igigiit ng transport group

-

MANILA, Philippines - Maghahain bukas  ng petition for fare increase ng halagang 50 sentimos ang Federation of Jeepney Drivers and Operators Association of the Philippines (FEJODAP) sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay FEJODAP pre­sident Zeny Maranan, naka­saad sa kanilang petition ang pagbabalik ng 50 sentimong provisionary fare  mula sa dating pasahe na P7.50 sa mga pampasaherong dyip sa National Capital Region (NCR), Region 3 at 4.

Bagamat mayroong  kasa­lukuyang nakabimbin na petition sa LTFRB para sa panibagong dagdag pasahe sa dyip ay nais ng FEJODAP na habang dinidinig ang nabanggit na petisyon ay dapat ibalik sa P7.50 ang pasahe sa dyip. Habang ka­ragdagang 50 sentimos din ang kanilang hinihingi para sa mga lugar na hindi naman sakop ng Region 3, 4 at NCR.

Sinabi ni Maranan, simula ng alisin ang pagpapatupad sa Executive No. 839 ay ma­kailang ulit na sumirit pataas ang presyo ng diesel mula sa halagang P26 paakyat sa P33.50.

Aniya tanging mga oil companies na lamang ang nabubuhay sa ginagawang pagpapakapagod ng mga tsuper, maghapon umanong kakayod at pagkaraan ay ibi­bili ng napakataas na presyo ng diesel. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

DRIVERS AND OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE NO

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

NATIONAL CAPITAL REGION

REGULATORY BOARD

SHY

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with