Grupo ng homeowner naghabla

MANILA, Philippines - Humantong sa de­man­dahan ang usapin ng magkalabang paksiyon ng mga opisyal ng BF Homes Executive Village Homeowners Association Inc. Pormal nang nag­hain ng reklamo ang negos­ yanteng si Virginio Aris, Presidente ng BF HEVA, sa Housing and Land Use Regulatory Board laban sa siyam na Board of Directors dahil sa iligal uma­nong pagpa­patalsik sa kaniya o kawalan ng due process at legal basis. Kabilang sa kinasu­han sina Jose Cailipan, Owen Imperial, Efren “Boy” I. Cordero, Leony Avante, Dr. Bong Joson, Ferdie Austria, Quint Felipe, Lucille Hawke at Darwin Cruz. Nais ni Aris na pigilan ng HLURB sa pag-upo ni Cailipan bilang kapalit niya at harangin ang mga iligal na aksiyon ng board of directors. (Ludy Bermudo)

Show comments