Kolektor lasog sa bus

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang kolektor maka­raang mabundol at masagasaan ng isang pampa­saherong bus ha­bang tinatahak ng mga ito ang kahabaan ng Com­mon­wealth Avenue sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joel Fijo, 30, ng Christian Ville Subdivi­sion, Las Piñas City. Nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 5 ng Que­zon City Police ang driver ng bus na si Johnny Cuaca Jr., 34.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa kaha­baan ng Commonwealth Avenue, partikular sa U-turn slot sa harap ng  U.P. Ayala Land, Brgy. Old Capitol Site, Diliman sa lungsod pasado alas-12 ng madaling-araw. Diumano, sakay ng kan­yang Honda wave MC (5875-PP) ang biktima at tinatahak ang lugar kasa­bayan ang pinapasada namang Original Transit bus (NXN-325) ni Cuaca.

Pagsapit sa U-turn slot sa nasabing lugar kung saan magka­sabay ang dalawa ay nasagi ng bus ang motorsiklo ng biktima. Dahil sa impact, tumilapon ang biktima sa motorsiklo at lumanding sa ilalim ng bus ng suspek, bago tu­luyang masa­gasaan pa ang katawan nito na ugat ng kanyang kamatayan. (Ricky Tulipat)

Show comments