^

Metro

Ospital nasunog: 5 pasyente patay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Limang pasyente ng East Avenue Medical Center (EAMC)  na kinabibi­langan ng dalawang sang­gol at tatlong lalaki na may malubhang sakit ang na­matay  kahapon  ng umaga matapos na ilabas sa nasu­sunog na pagamutan.

Ayon kay  Dr. Roland Cortez, EAMC director  ang limang nasawi ay kabilang sa  may 600  pas­yente na kanilang nailabas mula sa pagamutan ng maganap ang   sunog at la­munin ng apoy ang tang­ga­pan ng purchasing at supply­ na matatagpuan sa basement ng  gusali.

Kinilala  ang mga na­sawi na sina Baby girl Fortadiz, Baby boy Nota, Rommel Javier, 14, may sakit  na blunt abdominal  trauma; Luis  Cencil, 30, may sakit na colonic interposition; Joanalyn Baruza, 28, na may sakit  na uremia­.

Napag -alaman pa  kay Dr. Cortez na dahil sa na­ganap na sunog pasado alas-9:30 ng  umaga ka­hapon dahilan para mabu­labog ang may 1,281 mga empleyado ng pagamutan kabilang na ang mga pasyente at bantay ng mga ito.

Bagamat agad na na­apula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero hindi naman nakayanan ng mga nasawing pasyente ang naging sitwasyon sa pagamutan sa nagaganap na sunog.

Kaugnay nito, sinabi ni  Major San Diego ng Bureau of Fire Protection (BFP)  na patuloy na  ini­imbestigahan  ng tangga­pan ang  ugat nang naga­nap na sunog  sa basement  ng EAMC.

Hindi naman isinantabi ng mga awtoridad ang posibleng  faulty electrical  wiring o  sinding  sigarilyo  na maaring itinapon  sa bodega ng supply office na imbakan ng  mga papeles at mga  mater­yales ng ospital ang ugat ng sunog.

“Nasa ospital kami para magpagamot, pero hindi namin akalain mamamatay ka dito hindi sa sakit kundi sa nagaganap sa paligid, ito nga ay dahil  sa na­ganap na sunog sa ospital” pahayag ng ilang kaanak ng mga biktima ng in­sidente.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DR. CORTEZ

DR. ROLAND CORTEZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOANALYN BARUZA

MAJOR SAN DIEGO

ROMMEL JAVIER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with