AFP, PNP UMALERTO, Gulo sa Maguindanao aabot sa MM

MANILA, Philippines - Umalerto na ang AFP-Na­tional Capital Region Com­mand (AFP-NCRCOM) hing­gil sa po­sibleng spillover sa Metro Manila ng gulo sa Ma­guindanao matapos ang nang­yaring ma­saker doon na ikinasawi ng 57 katao ka­bilang ang 30 media­men.

Sinabi ni AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Reynaldo Mapagu, minobilisa na niya ang mga intelligence units ng kan­yang tanggapan upang imonitor ang mga kaganapan sa Metro Manila.

Ito’y matapos na maaresto si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., na isa sa master­mind ng krimen. Bukod kay Mayor Andal ay itinuro rin ng sampung testigo na hawak ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang lima pang miyembro ng maimplu­wen­syang angkan, isa rito si Ma­guindanao Governor Andal Ampatuan Sr. ang umano’y mastermind sa krimen.

Nabatid na naalarma ang mga residente sa Metro Ma­nila na maghasik ng kagulu­han ang mga supporters o mga sympa­thizers ng mga Ampatuan lalo na ang mga naninirahan at dumarayo sa mga Muslim centers.

Samantala masusing bina­bantayan ng mga awtoridad ang ilang hotel sa Maynila kung saan sinasabing naka-check-in umano ang mga kapanalig ng pamilya Ampatuan. 

Sa panig ng NBI, sinabi ni Director Nestor Mantaring na nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng mga hotel makaraang nakatanggap sila ng reports na ilang mga indi­bidwal na nagbiyahe mula Min­danao at naka-check-in na sa mga hotel sa Maynila, kasunod ng pagkaka-aresto kay Am­patuan Jr.

Ganito rin ang naging pa­hayag ng isang mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) na ayaw magpabanggit ng pangalan, na tinatayang 14 na indibidwal na galing sa Mindanao ay kasalukuyan pa rin umanong nakatigil sa ayaw ipabanggit na hotel.

Naging kapuna-puna uma­no sa pagmo-monitor ng ilang intelligence group ang sabay-sabay na pagche-check-in ng mga Muslim na pawang nag­buhat sa General Santos City, ilang oras matapos na ilipat na sa NBI headquarters sa Taft Avenue, Ermita, Maynila si Ampatuan.

Show comments