^

Metro

'Hindi ako trapo' - Joy Belmonte

-

MANILA, Philippines - “Bago ako sa politika, pero luma na sa serbisyo at hindi trapo.” Ito ang pahayag ni Liberal Party QC Vice mayoral candidate Joy Belmonte bilang reaksiyon sa mga  taong kumukuwestyon sa kanyang kakayahan para tumakbo bilang bise-alkalde sa lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni  Belmonte na makaraang makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay nagsimula na ang kan­yang pagseserbisyo sa mga tao bilang isang guro sa mga mahihirap na mamamayan ng Bukidnon.

“Doon nakita ko at napagsilbihin ko ang mga taong nara­rapat na tulungan para matuto at makapag-aral. Doon, walang malinis na tubig, walang ilaw  kaya’t alam ko ang maglingkod sa mga tao at alam ko ang kahirapan kaya’t nais ko pang higit na makatulong sa taumbayan,” pahayag ni Belmonte.

Anya, bilang Pangulo ng Ladies Foundation, buong puso siyang naglingkod sa mga tao na walang bayad at walang hinahangad na kapalit.

Idinagdag pa nito na dahil halos nagawa nang lahat ng kanyang ama na si QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte  ang pagpapaunlad sa lungsod, paglalaan ng hanapbuhay at pag- aaral sa mga mahihirap pero deserving students, infrastructure at itutuloy niya ang magandang sinimulan nito.

Higit niya anyang pagyayamanin ang mga nagawang kabu­tihan ng ama sa pagpapaunlad sa ekonomiya at kabuhayan ng mga taga-QC sa pamamagitan ng higit pang pagpapalakas sa mga poverty alleviation programs dahil 40 porsiyento ng mga taga-lungsod ay nasa poverty level. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

BELMONTE

BUKIDNON

JOY BELMONTE

LADIES FOUNDATION

LIBERAL PARTY

MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with