Atienza naghain ng COC

MANILA, Philippines - Pormal na naghain kahapon ng Certificate of Candidacy si Department of Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza para muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila.

Dakong alas-3:00 ng hapon ng pormal na ihain ni Atienza ang kanyang CoC sa Commission on Election sa Arroceros, Maynila.

Muling isusulong ni Atienza na magkaroon ng malusog na kapaligiran ang mga Manileno at patuloy na masawata ang mga masasamang elemento sa Maynila tulad ng droga at prostitusyon.     

Makakalaban ni Atienza sa 2010 local election sina Manila Mayor Alfredo Lim at dating Philippine National Police Chief Director Avelino “Sonny” Razon.

Show comments