Misis nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na ginang na si Maria Concepcion Catalan ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa kanyang bahay sa Makisig St., Rainbow Homes, Bagumbong, Caloocan City ka­hapon ng umaga. Nauna rito, tatlong beses nang nabigo sa pagpapakamatay si Catalan dahil umano sa kahirapan sa buhay. Sa ikaapat na pagkakataon tuluyan siyang nalagutan ng hininga. (Lordeth Bonilla)

Show comments