^

Metro

2 suspek sa Greenbelt robbery nag-plead 'not guilty' sa korte

-

MANILA, Philippines - Nagdeklara ng “not guilty plea” ang dalawang hinihinalang miyembro ng Alvin Flores robbery gang at mga sus­pek sa panloloob sa Greenbelt 5 sa “arraignment” o pag­basa ng demanda ka­ugnay ng kasong robbery hold-up kahapon sa Makati Regional Trial Court.

Nabigla ang pulisya nang kapwa “not guilty” ang ibinigay na plea nina Dennis Serquina at Jose Rodriquito sa Branch 143 ng Makati RTC.

Ayon sa Makati po­lice, unang inamin sa kanila ng mga suspek ang pagka­kasangkot nila sa panloloob sa isang tin­dahan ng relo sa Green­belt 5 nitong Ok­tubre 18. Nagsilbi uma­nong “look out” si Rodri­quito habang kasama naman sa pagpasok sa watch shop si Serquina.

Kapwa tauhan rin umano ang dala­wa nina Pangasinan Mayor Leon­cio Saldivar Jr., na isina­sangkot rin sa rob­bery group na pinamumunuan ng sina­sabing napaslang na si Alvin Flores.

Sa testimonya pa umano nina Ser­quina, 27, at Rodriquito, 52, agad silang nagtago sa bayan ng San Nicolas sa Pangasinan pagkaraan ng panloloob sa Green­belt 5 noong Oktubre 18. (Danilo Garcia)

ALVIN FLORES

AYON

DANILO GARCIA

DENNIS SERQUINA

JOSE RODRIQUITO

MAKATI

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

PANGASINAN MAYOR LEON

SALDIVAR JR.

SAN NICOLAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with