^

Metro

Suspek sa child abuse binugbog, patay

-

MANILA, Philippines - Isang 45 anyos na tricycle driver na inaresto dahil sa pananakit sa isang walong-taong gulang na batang lalake ang nasawi makaraang bugbugin umano ng dalawang barangay tanod na umaresto sa kanya sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Joebert Estellore, may-asawa ng # Area 6, Sitio Cabuyao, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa ulat, si Estellore ay nasawi nang dalhin ng mga operatiba ng Quezon city Police District-Station 4 sa Nova District hospital dahil sa naranasang pananakit ng dibdib at pagkahilo.

Bago nito, si Estellore ay inireklamo ng kasong pag­labag sa Republic Act 7610 o child abuse na isinampa ng isang walong-taong gulang na special child na itinago sa pangalang Bitoy noong Sabado. Dahil sa reklamo, di­nam­pot si Estellore ng mga barangay tanod at dinala sa pre­sinto. Sinasabing dinala muna umano ang biktima sa Que­zon City General hospital para ipasuri ang kalusugan nito.

Nang bisitahin si Estellore ng kanyang kapatid na si Josephine Chavez, at anak na si Joy sa presinto kinala­unan, inireklamo niya ang pananakit ng kanyang dibdib at pagkahilo. Sinabi ng dalawang babae sa mga pulis ang problema kaya isinugod sa ospital si Estellore ban­dang alas-5:37 ng Linggo ng umaga kung saan ito idi­neklarang patay.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw na nagtamo ng injury sa batok at mga abrassions sa kaliwang dibdib ang biktima na siyang ikinamatay nito. (Ricky Tulipat)

BARANGAY SAUYO

CITY GENERAL

ESTELLORE

JOEBERT ESTELLORE

JOSEPHINE CHAVEZ

NOVA DISTRICT

POLICE DISTRICT-STATION

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with