^

Metro

Budol-Budol gang sumalakay; lola natangayan ng P1.5 milyon

-

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ngayon ang publiko sa iba’t-ibang paraan ng pag-atake ng masasamang elemento na nagsa­samantala sa panahon ng kapaskuhan matapos ang pinaka­huling pag-atake ng ‘Budol-budol gang’ na bumiktima sa isang 72-anyos na lola na nata­nga­yan ng P1.5 milyon halaga ng cash at alahas kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Dumulog sa Manila Police District-General As­signment Section ang bik­timang si Belen Evan­gelista, ng 2286 Malaya St., Balut, Tondo.

Sinabi ni Evangelista na naglalakad siya sa Dimasalang St. nang lapitan ng isang lalaki na nagpanggap na may hinahanap na address at may hawak na delivery receipt para sa idedeliber na corned beef diumano.

Nang nakikipag-usap siya ay may lumapit pang isang babae na nagpang­gap naman na isa siyang titser at nag­prisinta na alam niya ang address na hinahanap ng lalaki kaya pinayuhan umano ng biktima ang lalaki na ang guro na lamang ang sumama sa kaniya.

Binola pa umano siya ng lalaking suspek at sinabihan na mas may tiwala siya sa lola hang­gang sa naging sunud-sunuran siya sa mga utos ng suspek na lalaki at sumakay umano sila sa isang asul na kotse.

Hindi na rin umano mawari ng lola kung bakit nakumbinse siya ng mga suspek na kinabibilangan ng dalawa pang lalaking suspek at dalawang babae, kabilang ang ka­sabwat na napa­kilalang titser, para mag-withdraw ng pera sa bangko at pinanga­kuan na kikita ng malaki depende sa laki ng halagang maiwi-withdraw.

Bilang pang-uto ay pinangakauan siya ng halagang P250,000 bi­lang pa­buya o komisyon kaya naiwithdraw niya ang P500,000 at inilagay sa itim na bag, sa utos ng mga suspek.

Bukod sa pera, pina­hubad din umano siya ng mga suot na alahas upang hindi mawala at ikinandado pa sa bag na itim at ibinigay sa biktima ang bag na nakakandado at sinabihang umuwi sa kanilang bahay upang hinta­yin ang ihahatid na komisyong P250,000.

Ibinaba siya mula sa kotse sa tapat ng isang mall at umuwi siya ng bahay hang­gang sa sumapit ang gabi ay hindi naman dumating ang mga suspek para sa hinihintay na P250,000.

Napilitan siyang buk­san ang naka­kandadong bag at natuklasang wala na ang mga pera niya at mga alahas dahil pawang ginupit-gupit na papel at dyaryo ang nasa loob nito. (Ludy Bermudo)

BELEN EVAN

BILANG

BINOLA

DIMASALANG ST.

LUDY BERMUDO

MALAYA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL AS

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with