^

Metro

Maid tinodas ng lover: 'Di ko matanggap ang ginawa mo'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Hindi ko matanggap ang ginawa mo, Flor. Handa akong pumatay at mamatay.”

Ito ang huling kata­gang narinig mula sa isang 50-anyos na ba­rangay tanod matapos barilin at mapatay ang kanyang nobyang 44-anyos bago barilin ang sarili na nagresulta sa kapwa nila kamatayan sa Bacood, Sta. Mesa, May­nila  kahapon ng umaga.

Kapwa nakalugmok na duguan ang mga na­sawing sina Flor Laurel, hiwalay sa asawa, stay-in housemaid at Guiller­mo Araojo, tanod ng Barangay 601 Zone 59 District 6 at residente ng 3372 2nd St., Bacood.

Naganap ang insi­dente bandang alas-7 ng umaga sa bahay ng amo ni Laurel na si Myrna Ferrera, 36, sa 3643 Lingayen St., Ba­cood.

Sinabi ni Ferrera sa mga imbestigador na, bago naganap ang insi­dente, kamakalawa ng gabi ay dumating na naka­inom si Araojo sa kanilang bahay at hina­hanap si Laurel.

Pinayagan niyang ma­kapag-usap ang da­lawa. Narinig niya umano ang pagtatalo ng dating mag­kasintahan at mga bagay na ipinasosoli ng babae sa lalaki subalit sinabi ng huli na magkita sila sa ba­rangay hall.

Dalawang oras ang nakalipas, ipinatawag na sa barangay hall ang kan­yang katulong para mag­ka-ayos sa problema at inihatid pa umano ng lalaki ang nobya sa bahay ng employer.

Kinabukasan, muling bumalik si Araojo at nag-usap muli ang dalawa at pilit umanong hinihimok ng una ang babae na mag­ka­balikan sila.  

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay napan­sin ni Ferrera na takot na takot si Laurel na paiwas sa nobyo at nakita niyang may hawak na dyaryo ang lalaki at nakabalot doon ang kalibre .38 baril.

Sa takot na mada­may, nagtago ang na­sabing amo at narinig niya ang mga sinasabi ni Araojo kay Laurel na  “Hindi ko ma­tanggap ang ginawa mo, Flor. Handa akong pu­matay at mamatay.” Nabatid na nasa ka­nilang lalawigan ang tunay na asawa ni Laurel.

Nang lumabas ng bahay si Ferrera ay na­rinig niya ang magka­sunod na putok at nang alamin ay kapwa naka­handusay na duguan ang dalawa at patay na.

vuukle comment

ARAOJO

BACOOD

DALAWANG

FERRERA

FLOR LAUREL

GUILLER

HANDA

LINGAYEN ST.

MYRNA FERRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with