Kelot 'kinatok' ni kamatayan
MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 23-anyos na lalaki makaraang barilin nang malapitan ng tatlong hindi nakilalang suspek kamakalawa ng umaga sa Marikina City. Nakilala ang nasawi na si John Samuel Katorla ng 106 Jude St., Claire III, Brgy. Concepcion Uno, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Marikina police, naganap ang krimen dakong alas-6:10 ng umaga nang agad na pagbabarilin ng mga suspek si Katorla nang pagbuksan nito ng pinto matapos na makarinig ng sunud-sunod na katok. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending