^

Metro

Ina ni Ivler lumitaw

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagtungo kahapon sa National Bureau of Investigation ang artist-writer na si Marlene Aguilar, kapatid ng folk singer na si Freddie Aguilar, kaugnay sa sub­poena sa kanya hinggil sa pagkakasangkot ng anak niyang si Jason Ivler sa kasong pagpatay kay Renato Victor Ebarle Jr.

Mariing itinanggi ni Marlene na may kinala­man siya sa pagtatago ng kanyang anak na huling nakasama niya noong Nobyembre 19. Iginiit din ang kanyang paniniwala na na-“frame-up’’ lamang ang kanyang anak.

Humarap si Marlene at abogado nitong si Atty. Alexis Medina kay NBI-Special Action Unit Chief Atty Angelito Magno para magbigay ng statement kaugnay kay Ivler na iti­nuturong bumaril kay Ebarle Jr. noong Nob­yem­bre 18 sa panulukan ng Boni Serrano at Gra­nada sts., sa Quezon City.

Kamakalawa ay nag­babala na ang NBI na ma­kakasuhan ng obs­truction of justice ang sinumang nagkakanlong o magkakanlong kay Ivler.

Samantala, inihayag ng National Capital Re­gional Police Office ang pagtataas ng reward money sa P.5 milyon para sa impormasyong magi­ging dahilan sa pag-aresto kay Ivler.

Umaasa umano si NCRPO Director Roberto Rosales na makakatu­long ang pagdaragdag sa reward money buhat sa dating P200,000 sa ma­bilis na pagkakadakip kay Ivler.

Ang biktima ay anak ni Undersecretary Re­nato Ebarle Sr. ng Office of the Presidential Chief of Staff.

Umapela rin ito sa mga kaanak at kaibigan ni Ivler na nakakausap pa nito na kumbinsihing sumuko upang mailayo ito sa posibleng kapaha­makan dahil sa kanyang patuloy na pagtatago.

vuukle comment

ALEXIS MEDINA

BONI SERRANO

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

EBARLE JR.

EBARLE SR.

FREDDIE AGUILAR

IVLER

JASON IVLER

KAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with