^

Metro

2 kelot timbog sa 200 kilo ng marijuana

-

MANILA, Philippines - May 200 kilo ng pina­tuyong dahon ng mari­juana ang nasamsam ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na ma­ispatan ang dalawang kalalakihang nagdidis­karga nito sa isang bus terminal sa lungsod Que­zon kahapon ng madaling- araw.

Ayon kay PDEA di­rector general Dionisio R. Santiago, ang nasabing marijuana ay mula sa Ca­gayan Province at naka­takdang ideliber sa Metro Manila sa pamamagitan ng bus.

Kinilala ang mga na­aresto na sina  Macario Guiang, na siyang may dala ng nasabing kontra­bando at  Marmilito Magno, taxi driver na siyang mag­ ha­hatid sana ng mga na­sabing iligal na droga.

Sinasabing nadakip ang mga suspek makara­ang makarating sa tangga­pan ni Santiago ang impor­masyon hingil sa pagluwas ng isang lalake na may dalang saku-sakong pina­tuyong marijuana sakay ng isang pampasaherong bus.

Pasado alas-3 ng ma­daling-araw nang duma­ting ang Ballesteros Bus na may body number 8668 galing Cagayan Province kung saan bumaba mula rito si Guiang at sinimulang idiskarga ang ilang sako at kahon ng sigarilyo sa taxi ni Magno.

Dito ay sinimulan ng operatiba na inspeksyunin ang nasabing kargamento hanggang sa matuklasan ang nasabing mga droga na mistulang bricks.

Inaresto din ang na­sabing mga suspek at di­nala sa himpilan ng PDEA kung saan inihanda ang kasong paglabag sa Sec­tion 5 o transporation of dangerous drugs at section 11 possesion of dangerous drugs, artikulo 2 ng Re­public act 9165. (Ricky Tulipat)

AYON

BALLESTEROS BUS

CAGAYAN PROVINCE

DIONISIO R

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MACARIO GUIANG

MARMILITO MAGNO

METRO MANILA

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with