^

Metro

NBI investigator nakapatay ng 2, pinasusuko ni Mantaring

-

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Nestor Mantaring ang kaniyang tauhan na lumutang sa pulisya at harapin ang two counts ng murder na kinasa­sangkutan sa naganap na insidente noong Nobyembre 16, sa Muntinlupa City.

Ginawa ni Mantaring ang panawagan kay Saul Her­mano, nakatalagang special investigator sa NBI-Legal Division matapos na hindi na umano ito mag-report sa trabaho.

Aminado si Mantaring na nalaman niya lamang ang insidente nang masampa­han na ng reklamo sa Mun­tinlupa Prosecutor’s Office si Hermano matapos ang pa­mamaril na ikinasawi ng mga biktimang sina Noly Dimaapi at Edmundo “Ding” Ullega , dakong alas-9:45 ng gabi sa harapan ng bahay ni Dimaapi, sa Katarungan Village 2, Muntinlupa City .

Hindi pa rin umano naka­katanggap ng pormal na request ang tanggapan ni Man­taring mula sa PNP kaugnay sa kaso ni Hermano.

Sa ulat, pinagbabaril ni Hermano ang dalawang biktima na nag-iinuman ma­tapos siyang insultuhin na ‘andres de saya ‘ o ‘takot sa asawa’, bago tumakas.

Dead on arrival umano sa pagamutan sina Ullega at Dimaapi dahil sa mga tama ng bala. (Ludy Bermudo)

DIMAAPI

DIRECTOR NESTOR MANTARING

HERMANO

KATARUNGAN VILLAGE

LEGAL DIVISION

LUDY BERMUDO

MANTARING

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with