Miyembro ng 'Green Police', dedo sa sumpak

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang miyembro ng “Green Police” ng Pasig City Hall makaraang sumpakin ng isang lalaki habang nagla­lakad pauwi ng bahay, ka­makalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Joselito Brioso, 23, binata, ng Sulit Compound, Baltazar Street, Brgy. Palatiw ng na­tu­rang lungsod. Pinagha­hanap naman ngayon ang tumakas na suspek na naki­lala lamang sa pangalang Junel Mosente, alyas Utaw.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Pasig Police, naga­nap ang krimen dakong alas-9 ng gabi kung saan papauwi ng kanyang bahay ang biktima nang tamba­ngan ng suspek at agad na barilin ng sumpak sa dibdib.

Patuloy pa ring iniimbes­tigahan kung ano ang po­sibleng motibo sa pama­mas­lang. (Danilo Garcia)

Show comments