Miyembro ng 'Green Police', dedo sa sumpak
MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang miyembro ng “Green Police” ng Pasig City Hall makaraang sumpakin ng isang lalaki habang naglalakad pauwi ng bahay, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Joselito Brioso, 23, binata, ng Sulit Compound, Baltazar Street, Brgy. Palatiw ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa pangalang Junel Mosente, alyas Utaw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig Police, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi kung saan papauwi ng kanyang bahay ang biktima nang tambangan ng suspek at agad na barilin ng sumpak sa dibdib.
Patuloy pa ring iniimbestigahan kung ano ang posibleng motibo sa pamamaslang. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending