Ivler mistulang daga, palipat-lipat ng lungga

MANILA, Philippines - Panibagong impormas­yon ang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing pa­lipat-lipat ng taguan sa ilang lalawigan ang wanted na si Jason Ivler, suspek na na­kapatay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni Under­secretary Renato Ebarle Sr, ng Presidential Chief of Staff.

Gayunman, tumanggi si NBI Director Nestor Man­taring na idetalye ang mga lugar na pinupuntahan di­umano ni Ivler upang hindi masunog sa patuloy na manhunt operations.          

Mahihirapan na rin uma­nong magtago si Ivler lalo’t nakakalat na sa iba’t-ibang strategic na lugar sa bansa ang mga larawan nito. Una nang napaulat na binebe­ripika ng NBI ang impormas­yong nakapuslit palabas ng bansa si Ivler patungong Malaysia.

Ito’y dahil na rin sa unang pagtatangka nitong takasan ang kaso na kinasasang­kutan niyang vehicular accident sa pagkamatay ni da­ting Assistant Presidential Reset­ tlement na si Nestor Ponce Jr. noong 2004. Na­da­kip si Ivler sa pagtakas gamit ang backdoor patu­ngong Malaysia. (Ludy Bermudo)

Show comments