Ivler mistulang daga, palipat-lipat ng lungga
MANILA, Philippines - Panibagong impormasyon ang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing palipat-lipat ng taguan sa ilang lalawigan ang wanted na si Jason Ivler, suspek na nakapatay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni Undersecretary Renato Ebarle Sr, ng Presidential Chief of Staff.
Gayunman, tumanggi si NBI Director Nestor Mantaring na idetalye ang mga lugar na pinupuntahan diumano ni Ivler upang hindi masunog sa patuloy na manhunt operations.
Mahihirapan na rin umanong magtago si Ivler lalo’t nakakalat na sa iba’t-ibang strategic na lugar sa bansa ang mga larawan nito. Una nang napaulat na bineberipika ng NBI ang impormasyong nakapuslit palabas ng bansa si Ivler patungong Malaysia.
Ito’y dahil na rin sa unang pagtatangka nitong takasan ang kaso na kinasasangkutan niyang vehicular accident sa pagkamatay ni dating Assistant Presidential Reset tlement na si Nestor Ponce Jr. noong 2004. Nadakip si Ivler sa pagtakas gamit ang backdoor patungong Malaysia. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending