^

Metro

Madugong birthday party: 1 patay

-

MANILA, Philippines - Naging madugo ang isang ma­sayang birthday party, makaraang mapatay ang isang binata ng isa rin sa bisita ng naturang okasyon kamaka­lawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Richard John Mendemilla, 25, nakatira sa Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng lungsod na ito.

Nakapuga naman ang suspek na kinilalang isang Edson Permisa at ka­lugar ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa nabanggit na lugar habang kapwa imbitado sa birthday party ang biktima at suspect at habang nag-iinuman ay doon nagsimulang magkulitan.

Nauwi ang kulitan sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim ang suspect at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima bago ito mabilis na tumakas. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

EDSON PERMISA

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

NAGANAP

NAKAPUGA

NAKILALA

NAUWI

PARADISE VILLAGE

RICHARD JOHN MENDEMILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with