MANILA, Philippines - Tinatayang P5.5 milyon halaga ng mga communication equipment mula sa China ang nasabat kahapon ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila.
Sa isang press conference, sinabi ni Customs Commissioner Napoleon Morales na ang mga na kumpiskang 5,500 units ng Designer Trim Style/Feature telephones ay idineklara lamang bilang mga household items at nakapangalan sa Crystal Rubi Trading.
Ang nasabing mga equipment ay nagkakahalaga ng $42,441 subalit dahil sa mga duties at taxes na binayaran para sa household materials na nagkakahalaga ng $1,190 kayat ang mga ito ay bumaba ang value at lumabas na smuggling.
Pinaiimbestigahan naman ni Morales sina BoC examiner Larry dela Cruz at principal appraiser Ricaflor de Leon dahil sa pagpayag ng dalawa na makapasok ang nasabing mga kargamento dahil sila ang mga nakapirma sa import entries nito. (Gemma Amargo-Garcia)