^

Metro

NBI nakipag-ugnayan sa Interpol: Jason Ivler nasa Malaysia na

- Nina Ludy Bermudo, Gemma Amargo-Garcia at Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation-Special Action Unit sa counter­part nito upang iberipika ang impormasyon na nakalabas na ng bansa ang suspek sa pama­mas­lang sa anak ni Undersecretary Renato Ebarle Sr. ng Presi­ dential Chief of Staff.

Sinabi ni Atty. Angelo Magno, hepe ng NBI-SAU, si Jason Ivler na iti­nuturing na mapanganib na pugante ay nakapuslit na sa bansa at nagta­tago sa Malaysia.

Bukod sa NBI-Inter­pol counterpart, nakiki­pag-ugnayan na rin ang NBI sa Bureau of Im­migration ukol sa ulat na tumakas si Ivler na itinuturong pu­matay kay Renato Victor Ebarle Jr.

Ayon pa kay Magno, ipinakalat na rin nila ang larawan ni Ivler, 27, sa mga iba’t ibang ahensiya ng awtoridad.

Nauna rito, nareko­ber ng NBI ang   Honda CRV na may plakang diplo­matic mate 20903 na sina­sabing sangkot sa naging away sa tra­piko ni Ivler at sa na­patay na si Ebarle.

Kasama ng NBI-Spe­cial Action Unit (SAU) ang Highway Patrol Group-National Capital Region sa pagsalakay sa Dos Concepcion Dos, Rancho Dos, SSS Vil­lage, Marikina City.

Kaugnay nito, ini­lagay na kahapon sa watch­list ng Bureau of Immigration (BI) si Ivler.

Ayon kay Immigration Commissioner Nonoy Libanan, inilagay na nila sa watchlist si Ivler upang hindi ito maka­labas ng bansa.

Inatasan din nito si Ferdinand Sampol, chief ng airport operations division and immigration supervisors sa Ninoy Aquino International Air­ports, Diosdado Maca­pagal International Air­port, Laoag International Airport, Mactan Interna­tional Airport and Davao International Airport, na ka­agad ipatupad ang kanyang kautusan.

Samantala, itinatago umano ng isa nitong ma­lapit na kaanak si Ivler, ayon sa pamunuan ng Quezon City Police.

Ayon kay QCPD di­rector Chief Superinten­dent Elmo San Diego, siniguro nitong malapit na nilang madakip si Ivler na hanggang nga­yon ay nagiging madulas sa mga awtoridad ma­tapos ang pagpatay kay Ebarle.

Giit ni San Diego, ang naganap na pagsalakay sa mga tahanan sa Que­zon City, Antipolo City at Marikina City na pinani­niwalaang pinagtaguan niya matapos ang pag­patay ay nagresulta sa negatibo dahil mabilis itong nakaalis ilang oras bago dumating ang mga operatiba.

Naniniwala si San Diego na may nagsabi agad kay Ivler hingil sa pagdating ng mga pulis o ang taong nagtatago sa suspek ay pamilyar sa galaw ng mga awtoridad.

ACTION UNIT

AIRPORT AND DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

ANGELO MAGNO

ANTIPOLO CITY

AYON

BUREAU OF IM

IVLER

MARIKINA CITY

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with